1 Mga Hari 14:8
1 Mga Hari 14:8 ASD
Kinuha ko ang kaharian sa pamilya ni David at ibinigay sa iyo. Pero hindi ka katulad ni David na lingkod ko. Tinupad niya ang mga utos ko, sumunod siya sa akin nang buong puso, at ang matuwid lamang sa aking paningin ang ginawa niya.



