1
Ang Mangangaral 7:9
Magandang Balita Biblia (2005)
MBB05
Pag-aralan mong magpigil sa sarili; mangmang lamang ang nagtatanim ng galit.
Comparar
Explorar Ang Mangangaral 7:9
2
Ang Mangangaral 7:14
Magalak ka kung mainam ang takbo ng lahat ng bagay. Sa panahon ng kahirapan ay isipin mong parehong ipinadadala ng Diyos ang kaligayahan at kahirapan. Sino ang nakakaalam kung ano ang mangyayari bukas?
Explorar Ang Mangangaral 7:14
3
Ang Mangangaral 7:8
Ang wakas ng isang bagay ay mas mainam kaysa pasimula. Ang pagtitiyaga ay mabuti kaysa kapalaluan.
Explorar Ang Mangangaral 7:8
4
Ang Mangangaral 7:20
Walang taong nabuhay sa daigdig na gumagawa ng mabuti at hindi nagkakasala.
Explorar Ang Mangangaral 7:20
5
Ang Mangangaral 7:12
Ang tulong na magagawa ng karunungan sa tao ay tulad ng magagawa ng salapi. Ang tao'y maililigtas ng kanyang karunungan, at ito ang kabutihan ng kaalaman.
Explorar Ang Mangangaral 7:12
6
Ang Mangangaral 7:1
Ang mabuting pangalan ay mas mahalaga kaysa mamahaling pabango; at ang araw ng kamatayan ay higit na mabuti kaysa araw ng kapanganakan.
Explorar Ang Mangangaral 7:1
7
Ang Mangangaral 7:5
Mas mabuting makarinig ng saway ng matalino kaysa isang mangmang ang pupuri sa iyo.
Explorar Ang Mangangaral 7:5
8
Ang Mangangaral 7:2
Mas mabuting pumunta sa bahay ng namatayan kaysa bahay na may handaan, pagkat dapat alalahanin ng buháy na siya man ay nakatakda ring mamatay.
Explorar Ang Mangangaral 7:2
9
Ang Mangangaral 7:4
Mangmang ang isang taong nag-iisip ng kasayahan, ngunit matalino ang isang taong naghahanda para sa kanyang kamatayan.
Explorar Ang Mangangaral 7:4