1
Ang Mangangaral 11:9
Magandang Balita Biblia (2005)
MBB05
Magalak ka binata sa panahon ng iyong kabataan. Gawin mo ang gusto mo at lahat ng kaakit-akit sa paningin mo. Ngunit tandaan mong ang lahat ng ito'y iyong ipagsusulit sa Diyos.
Comparar
Explorar Ang Mangangaral 11:9
2
Ang Mangangaral 11:10
Iwaksi mo ang alalahanin at mga kabalisahan; ang kabataan at kasibulan ay pawang walang kabuluhan.
Explorar Ang Mangangaral 11:10
3
Ang Mangangaral 11:4
Ang naghihintay sa pagtigil ng hangin ay di-kailanman makapaghahasik ng kanyang binhi. At ang nag-aalala sa patak ng ulan ay di makapag-aani.
Explorar Ang Mangangaral 11:4
4
Ang Mangangaral 11:5
Kung hindi mo maaaring malaman kung paanong ang hininga ay pumapasok sa katawan ng isang sanggol na nasa sinapupunan ng kanyang ina, lalong hindi maaabot ng isip mo kung paano ginagawa ng Diyos ang lahat ng bagay.
Explorar Ang Mangangaral 11:5
5
Ang Mangangaral 11:6
Sa umaga, inihahasik mo ang iyong binhi. Hindi ka tumitigil sa paggawa hanggang gabi sapagkat di mo tiyak kung alin ang magbibigay sa iyo ng tagumpay. O kaya'y umaasa kang lahat ay iyong papakinabangan.
Explorar Ang Mangangaral 11:6
6
Ang Mangangaral 11:2
Hatiin sa pito, sa walo ang kalakal mo pagkat di mo masisiguro kung ano ang kasamaang mangyayari sa mundo.
Explorar Ang Mangangaral 11:2