Sinasabi sa Kasulatan, “Hindi mabibigo ang sinumang sumasampalataya sa kanya.” Sapagkat walang pagkakaiba ang Hudyo at Hentil. Ang Panginoon ay Panginoon ng lahat, at pinagpapala niya nang masagana ang lahat ng tumatawag sa kanya. Sapagkat, “Ang lahat ng tumatawag sa pangalan ng Panginoon ay maliligtas.”