Dahil ayaw nilang kilalanin ang Diyos, hinayaan na lang sila ng Diyos na gawin ang kanilang malalaswang pagnanasa. Ipinagpalit ng mga babae ang natural na pakikipagrelasyon nila sa lalaki sa pamamagitan ng pakikipagrelasyon sa kapwa babae. Ganoon din ang mga lalaki. Tinalikuran nila ang natural na pakikipagrelasyon sa babae, at sa halip ay nahumaling sa kapwa lalaki. Kahiya-hiya ang ginagawa nila sa isaʼt isa. Dahil dito, pinarusahan sila ng Diyos ng nararapat sa kanilang masasamang gawa.
At dahil sa ayaw talaga nilang kilalanin ang Diyos, hinayaan niya na sila sa kanilang kaisipang hindi makapili ng tama. Kaya ginagawa nila ang mga bagay na hindi nararapat.