Kaya ang nangyari sa kanila ay nagpapatunay na ang ibinigay ng Diyos sa ating mga Hudyo, nang sumampalataya tayo sa Panginoong Hesu-Kristo ay ibinigay din niya sa mga Hentil. At kung ganoon ang gusto ng Diyos, sino ba ako para hadlangan siya?”
Nang marinig ito ng mga kapatid na Hudyo, hindi na nila binatikos si Pedro, sa halip ay nagpuri sila sa Diyos. Sinabi nila, “Kung ganoʼn, ibinigay din ng Diyos sa mga Hentil ang pagkakataong magsisi upang silaʼy mabuhay.”