YouVersion လိုဂို
ရွာရန္ အိုင္ကြန္

Mga Hebreo 5:1-4

Mga Hebreo 5:1-4 ASD

Ang bawat punong pari ay pinili upang magsilbing kinatawan ng mga tao tungkol sa mga bagay na may kaugnayan sa Diyos. Tungkulin niyang mag-alay ng mga kaloob at handog para sa kasalanan. Siya ay mahinahong nakikitungo sa mga taong walang alam at naliligaw ng landas dahil tao rin siyang may mga kahinaan. Ito ang dahilan kung bakit kailangan niyang maghandog para sa kanyang kasalanan at para na rin sa kasalanan ng mga tao. Hindi maaaring makamtan ninuman sa sarili niyang kagustuhan ang karangalan ng pagiging punong pari, sapagkat ang Diyos mismo ang humihirang sa magiging punong pari, tulad ng pagkahirang kay Aaron.