Mateo 2:1-2
Mateo 2:1-2 MBBTAG12
Panahon ng paghahari ni Herodes sa Judea nang ipanganak si Jesus sa Bethlehem. May mga pantas mula pa sa silangan na dumating sa Jerusalem. Nagtanung-tanong sila, “Nasaan ang ipinanganak na hari ng mga Judio? Nakita namin sa silangan ang kanyang bituin, kaya't naparito kami upang siya'y sambahin.”