1
Genesis 1:26-27
Ang Salita ng Dios
Pagkatapos, sinabi ng Dios, “Likhain natin ang tao ayon sa ating wangis. Sila ang mamamahala sa lahat ng uri ng hayop: mga lumalangoy, lumilipad, lumalakad at gumagapang.” Kaya nilikha ng Dios ang tao, lalaki at babae ayon sa wangis niya.
비교
Genesis 1:26-27 살펴보기
2
Genesis 1:28
Binasbasan niya sila at sinabi, “Magpakarami kayo para mangalat ang mga lahi ninyo at mamahala sa buong mundo. At pamahalaan ninyo ang lahat ng hayop.”
Genesis 1:28 살펴보기
3
Genesis 1:1
Nang pasimula, nilikha ng Dios ang langit at ang lupa.
Genesis 1:1 살펴보기
4
Genesis 1:2
Ang mundo noon ay wala pang anyo at wala pang laman. Ang tubig na bumabalot sa mundo ay balot ng kadiliman. At ang Espiritu ng Dios ay kumikilos sa ibabaw ng mga tubig.
Genesis 1:2 살펴보기
5
Genesis 1:3
Sinabi ng Dios, “Magkaroon ng liwanag!” At nagkaroon nga ng liwanag.
Genesis 1:3 살펴보기
6
Genesis 1:31
Pinagmasdan ng Dios ang lahat niyang nilikha at lubos siyang nasiyahan. Lumipas ang gabi at dumating ang umaga. Iyon ang ikaanim na araw.
Genesis 1:31 살펴보기
7
Genesis 1:4
Nasiyahan ang Dios sa liwanag na nakita niya. Pagkatapos, inihiwalay niya ang liwanag sa kadiliman.
Genesis 1:4 살펴보기
8
Genesis 1:29
Pagkatapos, sinabi ng Dios, “Ibinibigay ko sa inyo ang mga tanim na namumunga ng butil pati ang mga punongkahoy na namumunga para inyong kainin.
Genesis 1:29 살펴보기
9
Genesis 1:5
Tinawag niyang “araw” ang liwanag, at “gabi” naman ang kadiliman. Lumipas ang gabi at dumating ang umaga. Iyon ang unang araw.
Genesis 1:5 살펴보기
10
Genesis 1:6
Pagkatapos, sinabi ng Dios, “Magkaroon ng pagitan na maghihiwalay sa tubig sa dalawang bahagi.”
Genesis 1:6 살펴보기
11
Genesis 1:30
At ibinibigay ko sa lahat ng hayop ang lahat ng luntiang halaman bilang pagkain nila.” At iyon nga ang nangyari.
Genesis 1:30 살펴보기
12
Genesis 1:14
Pagkatapos, sinabi ng Dios, “Magkaroon ng mga ilaw sa kalangitan para ihiwalay ang araw sa gabi, at magsilbing palatandaan ng pagsisimula ng mga panahon, araw at taon.
Genesis 1:14 살펴보기
13
Genesis 1:11
Pagkatapos, sinabi ng Dios, “Magsitubo sa lupa ang lahat ng uri ng halaman, ang mga tanim na nagbubunga ng butil, at ang mga punongkahoy na namumunga ayon sa kani-kanilang uri.” At iyon nga ang nangyari.
Genesis 1:11 살펴보기
14
Genesis 1:7
At nagkaroon nga ng pagitan na naghihiwalay sa tubig sa itaas at sa tubig sa ibaba.
Genesis 1:7 살펴보기
15
Genesis 1:12
Tumubo sa lupa ang lahat ng uri ng halaman, ang mga tanim na nagbubunga ng butil, at ang mga punongkahoy na namumunga ayon sa kani-kanilang uri. Nasiyahan ang Dios sa nakita niya.
Genesis 1:12 살펴보기
16
Genesis 1:16
Nilikha ng Dios ang dalawang malaking ilaw: ang pinakamalaki ay magliliwanag kung araw, at ang mas malaki ay magliliwanag kung gabi. Nilikha rin niya ang mga bituin.
Genesis 1:16 살펴보기
17
Genesis 1:9-10
Pagkatapos, sinabi ng Dios, “Magsama sa isang lugar ang tubig sa mundo para lumitaw ang tuyong bahagi.” At iyon nga ang nangyari. Tinawag niyang “lupa” ang tuyong lugar, at “dagat” naman ang nagsamang tubig. Nasiyahan ang Dios sa nakita niya.
Genesis 1:9-10 살펴보기
18
Genesis 1:22
At binasbasan niya ang mga ito. Sinabi niya, “Magpakarami kayo, kayong mga hayop sa tubig at mga hayop na lumilipad.”
Genesis 1:22 살펴보기
19
Genesis 1:24
Pagkatapos, sinabi ng Dios, “Magkaroon ng ibaʼt ibang uri ng hayop sa lupa: mga hayop na maamo at mailap, malalaki at maliliit.” At iyon nga ang nangyari.
Genesis 1:24 살펴보기
20
Genesis 1:20
Pagkatapos, sinabi ng Dios, “Magkaroon ng ibaʼt ibang hayop sa tubig at magsilipad ang ibaʼt ibang hayop sa himpapawid.”
Genesis 1:20 살펴보기
21
Genesis 1:25
Nilikha ng Dios ang lahat ng ito at nasiyahan siya sa nakita niya.
Genesis 1:25 살펴보기
YouVersion은 여러분의 경험을 개인화하기 위해 쿠키를 사용합니다. 저희 웹사이트를 사용함으로써 여러분은 저희의 개인 정보 보호 정책에 설명된 쿠키 사용에 동의하게 됩니다
홈
성경
묵상
동영상