Mga Hukom 6:11
Mga Hukom 6:11 ASD
Pagkatapos, dumating ang anghel ng PANGINOON sa Ofra. Naupo siya sa ilalim ng puno ng terebinto na pag-aari ni Joas na mula sa angkan ni Abiezer. Si Gideon na anak ni Joas ay naggigiik noon ng trigo sa ilalim ng pisaan ng ubas para hindi makita ng mga Midianita ang trigo.

