1
Habakuk 1:5
Ang Salita ng Diyos
ASD
Sumagot ang Diyos, “Tingnan ninyong mabuti ang mga nangyayari sa mga bansa at talagang magtataka kayo sa inyong makikita. Sapagkat may gagawin ako sa inyong kapanahunan na hindi ninyo paniniwalaan kahit may magbalita pa nito sa inyo.
Lee anya n'etiti ihe abụọ
Nyochaa Habakuk 1:5
2
Habakuk 1:2
Sinabi ni Habakuk, “PANGINOON, hanggang kailan po ako hihingi ng tulong sa inyo bago nʼyo ako dinggin? Kailan nʼyo po ba kami ililigtas sa mga karahasang ito?
Nyochaa Habakuk 1:2
3
Habakuk 1:3
Bakit nʼyo po ipinapakita sa akin ang mga kasamaan at kaguluhan? Kahit saan ay nakikita ko ang patayan, karahasan, hidwaan at pagtatalo.
Nyochaa Habakuk 1:3
4
Habakuk 1:4
Kaya naging walang kabuluhan ang kautusan. At wala ring katarungan dahil ang mga taong may kasalanan ang siyang nananalo sa korte, at hindi ang mga taong walang kasalanan. Kaya nababaluktot ang katarungan.”
Nyochaa Habakuk 1:4