1
Isaias 54:17
Magandang Balita Biblia (2005)
MBB05
Ngunit mula ngayon, wala nang sandatang gagamitin laban sa iyo, at masasagot mo ang anumang ibibintang sa iyo. Ang mga lingkod ko'y aking ipagtatanggol, at sila'y bibigyan ng pagtatagumpay.” Ito ang sinabi ni Yahweh.
השווה
חקרו Isaias 54:17
2
Isaias 54:10
Maguguho ang mga bundok at ang mga burol ay mayayanig, ngunit ang wagas na pag-ibig ko'y hindi maglalaho, at mananatili ang kapayapaang aking ipinangako.” Iyan ang sinasabi ni Yahweh, na nagmamahal sa iyo.
חקרו Isaias 54:10
3
Isaias 54:4
Huwag kang matakot o panghinaan man ng loob, sapagkat hindi ka na mapapahiya. Malilimot mo na ang kahihiyang dinanas mo noong iyong kabataan; hindi mo na maaalala ang matinding kalungkutan ng pagiging isang biyuda.
חקרו Isaias 54:4
4
Isaias 54:5
Sapagkat ang Lumalang sa iyo ay ang asawa mo, ang pangalan niya'y Yahweh na Makapangyarihan sa lahat. Ang tagapagligtas mo ay ang Banal na Diyos ng Israel, kung tawagin siya'y Diyos ng buong sanlibutan.
חקרו Isaias 54:5
5
Isaias 54:2
Gumawa ka ng mas malaking tolda, palaparin mo ang kurtina niyon. Huwag mong lagyan ng hangganan ang dakong iyon, pahabain mo ang mga tali. Ibaon mo ng malalim ang mga pantulos.
חקרו Isaias 54:2
6
Isaias 54:13
Ako mismo ang magtuturo sa iyong mga anak. Sila'y magiging payapa at uunlad ang buhay.
חקרו Isaias 54:13
7
Isaias 54:8
Sa tindi ng aking galit, sandali akong lumayo sa iyo, ngunit ipadarama ko sa iyo ang aking kahabagan sa pamamagitan ng pag-ibig na wagas.” Iyan ang sabi ni Yahweh na magliligtas sa iyo.
חקרו Isaias 54:8
8
Isaias 54:7
“Sandaling panahon kitang iniwanan; ngunit dahil sa tapat kong pag-ibig, muli kitang kakalingain.
חקרו Isaias 54:7
9
Isaias 54:9
“Noong panahon ni Noe, ako ay sumumpang hindi na mauulit na ang mundong ito'y gunawin sa tubig. Aking ipinapangako ngayon, hindi na ako magagalit sa iyo, at hindi na kita paparusahan muli.
חקרו Isaias 54:9
10
Isaias 54:12
Rubi ang gagamitin sa iyong mga tore, batong maningning ang iyong pintuan at sa mga pader ay mga hiyas na makinang.
חקרו Isaias 54:12