Mga Hebreo 11:24-27
Mga Hebreo 11:24-27 ASD
Dahil sa pananampalataya, nang malaki na si Moises ay tumanggi siyang tawaging anak ng prinsesang anak ng Faraon. Mas ginusto niyang makibahagi sa paghihirap na dinaranas ng bayan ng Diyos kaysa lasapin ang mga panandaliang kaligayahan na dulot ng kasalanan. Itinuring niyang mas mahalaga ang maalipusta para kay Kristo kaysa sa mga kayamanan ng Ehipto, dahil nakatuon ang kanyang paningin sa gantimpalang inaasam niya. Dahil sa pananampalataya, iniwan ni Moises ang Ehipto at hindi siya natakot kahit na magalit ang hari sa kanya. Nanindigan siya dahil parang nakita niya ang Diyos na hindi nakikita.


