1
Zefanias 3:17
Magandang Balita Biblia (2005)
MBB05
Nasa piling mo si Yahweh na iyong Diyos, at ang kanyang kapangyarihan ang magbibigay sa iyo ng tagumpay. Siya ay magagalak sa iyo at ang pag-ibig niya ang magbibigay sa iyo ng bagong buhay. Masaya siyang aawit sa laki ng kagalakan
Comparar
Explorar Zefanias 3:17
2
Zefanias 3:20
Sa panahong iyon, kayo'y aking titipunin at ibabalik sa inyong tahanan. Gagawin ko kayong bantog sa buong daigdig, at muli kong ibabalik ang inyong kayamanan at kasaganaan.” Si Yahweh ang nagsabi nito.
Explorar Zefanias 3:20
3
Zefanias 3:15
Ang iyong kaparusahan ay inalis na ni Yahweh, at pinalayas na niya ang iyong mga kaaway. Nasa kalagitnaan mo si Yahweh, ang Hari ng Israel, wala nang kasawiang dapat pang katakutan.
Explorar Zefanias 3:15
4
Zefanias 3:19
Sa panahong iyon ay haharapin ko ang mga umapi sa iyo. Titipunin ko ang mga itinakwil, papalitan ko ng karangalan ang kanilang mga kahihiyan, at gagawin ko silang tanyag sa buong daigdig.
Explorar Zefanias 3:19