Magtrabaho kayo sa loob ng anim na araw, ngunit ang ikapitong araw, ang Araw ng Pamamahinga ay ilaan ninyo para sa akin, ang PANGINOON, na inyong Diyos. Huwag kayong magtatrabaho sa araw na ito pati ang inyong mga anak, mga alipin, mga baka, mga asno at iba pang mga hayop, o ang mga dayuhang naninirahang kasama mo. Sa ganitong paraan ay makakapagpahinga ring katulad ninyo ang inyong mga alipin.