YouVersion Logo
Search Icon

Amos 1

1
1Ang#2 Ha. 15:1-7; 2 Cro. 26:1-23; 2 Ha. 14:23-29. aklat na ito ay naglalaman ng mga pahayag ni Amos, isang pastol na taga-Tekoa. Ang mga bagay na tungkol sa Israel ay ipinahayag sa kanya ng Diyos dalawang taon bago lumindol. Si Uzias noon ang hari ng Juda, at si Jeroboam namang anak ni Joas ang hari ng Israel.
2Sinabi#Joel 4:16. ni Amos,
“Dumadagundong mula sa Bundok ng Zion ang tinig ni Yahweh,
mula sa Jerusalem ang kanyang tinig ay naririnig.
Natutuyo ang mga pastulan,
nalalanta pati ang mga damo sa Bundok Carmel.”
Paghatol sa mga Karatig-bansa ng Israel
Sa Siria
3Ganito#Isa. 17:1-3; Jer. 49:23-27; Zac. 9:1. ang sabi ni Yahweh:
“Paulit-ulit na nagkasala ang mga taga-Damasco,
kaya sila'y paparusahan ko.
Pinagmalupitan nila ang Gilead,
dinurog nila ito sa giikang bakal.
4Susunugin ko ang palasyo ni Hazael,
at tutupukin ko ang mga tanggulan ni Ben-Hadad.
5Wawasakin ko ang pintuan ng Lunsod ng Damasco;
pupuksain ko ang mga taga libis ng Aven,
pati ang may hawak ng setro sa Beth-eden;
ang mga taga-Siria naman ay dadalhing-bihag sa Kir.”
Sa Filistia
6Ganito#Isa. 14:29-31; Jer. 47:1-7; Eze. 25:15-17; Joel 4:4-8; Zef. 2:4-7; Zac. 9:5-7. ang sabi ni Yahweh:
“Paulit-ulit na nagkasala ang mga taga-Gaza,
kaya sila'y paparusahan ko.
Binihag nila ang isang bansa
at ipinagbili sa mga taga-Edom.
7Susunugin ko ang mga pader ng Gaza;
tutupukin ko ang mga tanggulan doon.
8Aalisin ko ang mga pinuno ng Asdod,
at ang may hawak ng setro sa Ashkelon.
Hahanapin ko ang Ekron,
at lilipulin ko ang mga Filisteo roon.”
Sa Tiro
9Ganito#Isa. 23:1-18; Eze. 26:1–28:19; Joel 4:4-8; Zac. 9:1-4; Mt. 11:21-22; Lu. 10:13-14. ang sabi ni Yahweh:
“Paulit-ulit na nagkasala ang mga taga-Tiro,
kaya sila'y paparusahan ko.
Ipinagbili nila sa Edom ang libu-libo nilang bihag;
sinisira nila ang kasunduan ng pagkakapatiran.
10Susunugin ko ang mga pader ng Tiro;
tutupukin ko ang mga palasyo roon.”
Sa Edom
11Ganito#Isa. 34:5-17; 63:1-6; Jer. 49:7-22; Eze. 25:12-14; 35:1-15; Oba. 1-14; Mal. 1:2-5. ang sabi ni Yahweh:
“Paulit-ulit na nagkasala ang mga taga-Edom,
kaya sila'y paparusahan ko.
Hinabol nila ng tagâ ang mga kapatid nilang Israelita
at hindi sila naawa kahit bahagya.
Hindi naglubag ang kanilang poot kailanman.
12Susunugin ko ang Teman,
tutupukin ko naman ang mga tanggulan sa Bozra.”
Sa Ammon
13Ganito#Jer. 49:1-6; Eze. 21:28-32; 25:1-7; Zef. 2:8-11. ang sabi ni Yahweh:
“Paulit-ulit na nagkasala ang mga taga-Ammon,
kaya sila'y paparusahan ko.
Sa labis nilang kasakiman sa lupain,
nilaslas nila ang tiyan ng mga buntis sa Gilead.
14Susunugin ko ang mga pader sa Rabba;
tutupukin ko ang mga tanggulan doon.
Magsisigawan sila sa panahon ng labanan;
mag-aalimpuyo ang labanan tulad ng isang bagyo.
15Mabibihag ang kanilang hari,
gayundin ang kanyang mga tauhan.”
Sa Moab

Currently Selected:

Amos 1: RTPV05

Highlight

Share

Copy

None

Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in

YouVersion uses cookies to personalize your experience. By using our website, you accept our use of cookies as described in our Privacy Policy