YouVersion Logo
Search Icon

Mangangaral 12

12
1Alalahanin mo ang lumikha sa iyo habang bata ka pa at bago dumating ang panahon ng kahirapan at masabi mong, “Hindi ako masaya sa buhay ko.” 2Alalahanin mo siya bago dumilim ang araw, ang buwan at ang mga bituin na parang natatakpan ng makakapal na ulap. 3Darating ang araw na manginginig ang iyong mga bisig#12:3 bisig: sa literal, mga bantay ng bahay. at manghihina ang iyong mga tuhod.#12:3 tuhod: sa literal, malalakas na lalaki. Hindi ka na makakanguyang mabuti dahil iilan na lang ang iyong ngipin.#12:3 ngipin: sa literal, mga babaeng tagagiling ng butil. At lalabo na ang iyong paningin.#12:3 paningin: sa literal, mga babaeng nakasilip sa bintana. 4Ang tainga#12:4 tainga: sa literal, mga pintuang bayan. moʼy hindi na halos makarinig, kahit ang ingay ng gilingan o huni ng mga ibon o mga awitin ay hindi na marinig. 5Matatakot ka ng umakyat sa matataas na lugar o lumakad sa lansangan ng nag-iisa. Puputi na ang iyong buhok, hindi ka na halos makakalakad at mawawala na ang lahat ng iyong pagnanasa. Sa bandang huli, pupunta ka sa iyong tahanang walang hanggan at marami ang magluluksa para sa iyo sa mga lansangan. 6Kaya alalahanin mo ang Dios habang nabubuhay ka, habang hindi pa nalalagot ang kadenang pilak at hindi pa nababasag ang gintong lalagyan, o hindi pa nalalagot ang tali ng timba sa balon, at nasisira ang kalo nito. 7Kung magkagayon, babalik ka sa lupa kung saan ka nagmula at ang espiritu#12:7 espiritu: o, hininga. Tingnan sa Salmo 104:29 at Job 12:10. moʼy babalik sa Dios na siyang nagbigay nito.
8Sabi ng mangangaral,#12:8 mangangaral: o, guro; o, isang matalinong tao. “Walang kabuluhan! Tunay na walang kabuluhan ang lahat!”
Paggalang at Pagsunod sa Dios
9Bukod sa pagiging marunong nitong mangangaral, itinuturo din niya sa mga tao ang lahat ng kanyang nalalaman. Pinag-aralan niyang mabuti ang mga kasabihang binanggit niya rito. 10Pinagsikapan niyang gamitin ang mga nararapat na salita, at ang lahat ng isinulat niya rito ay tama at totoo. 11Ang mga salita ng marunong ay parang matulis na tungkod na pantaboy ng pastol sa paggabay sa kanyang kawan o parang pakong nakabaon. Ibinigay ito ng Dios na tangi nating tagabantay.
12Anak, mag-ingat ka sa isa pang bagay na ito: Ang pagsusulat ng aklat ay walang katapusan, at ang labis na pag-aaral ay nakakapagod.
13Ngayong nabasa#12:13 nabasa: sa Hebreo, narinig. Nag-aaral noon ang mga Israelita sa pamamagitan ng pakikinig. mo na ang lahat ng ito, ito ang aking huling payo: Matakot ka sa Dios at sundin mo ang kanyang mga utos, dahil ito ang tungkulin ng bawat tao. 14Sapagkat hahatulan tayo ng Dios ayon sa lahat ng ating ginagawa, mabuti man o masama, hayag man o lihim.

Currently Selected:

Mangangaral 12: ASND

Highlight

Share

Copy

None

Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in

YouVersion uses cookies to personalize your experience. By using our website, you accept our use of cookies as described in our Privacy Policy