Micah 7
7
Israel Is Corrupt
1I feel so empty inside—
like someone starving
for grapes or figs,
after the vines and trees
have all been picked clean.
2No one is loyal to God;
no one does right.
Everyone is brutal
and eager to deceive
everyone else.
3People cooperate to commit crime.
Judges and leaders demand bribes,
and rulers cheat in court.#7.3 court: One possible meaning for the difficult Hebrew text of verse 3.
4The most honest of them
is worse than a thorn patch.
Your doom has come!
Lookouts sound the warning,
and everyone panics.
5Don't trust anyone,
not even your best friend,
and be careful what you say
to the one you love.
6 #
Mt 10.35,36; Lk 12.53. Sons refuse to respect
their own fathers,
daughters rebel against
their own mothers,
and daughters-in-law despise
their mothers-in-law.
Your family is now your enemy.
7But I trust the Lord God
to save me,
and I will wait for him
to answer my prayer.
The Nation Turns to God
8My enemies, don't be glad
because of my troubles!
I may have fallen,
but I will get up;
I may be sitting in the dark,
but the Lord is my light.
9I have sinned against the Lord.
And so I must endure his anger,
until he comes to my defense.
But I know that I will see him
making things right for me
and leading me to the light.
10You, my enemies, said,
“The Lord God is helpless.”
Now each of you
will be disgraced
and put to shame.
I will see you trampled
like mud in the street.
A Bright Future
11Towns of Judah, the day is coming
when your walls will be rebuilt,
and your boundaries enlarged.
12People will flock to you
from Assyria and Egypt,
from Babylonia#7.12 Babylonia: The Hebrew text has “the river,” meaning the Euphrates River, which stood for Babylonia.
and everywhere else.
13Those nations will suffer disaster
because of what they did.
Micah's Prayer and the Lord's Answer
14Lead your people, Lord!
Come and be our shepherd.
Grasslands surround us,
but we live in a forest.
So lead us to Bashan and Gilead,#7.14 Bashan and Gilead: Two regions east of the Jordan River, known for their fertile pasturelands.
and let us find pasture
as we did long ago.
15I, the Lord, will work miracles
just as I did when I led you
out of Egypt.
16Nations will see this
and be ashamed because
of their helpless armies.
They will be in shock,
unable to speak or hear,
17because of their fear of me,
your Lord and God.
Then they will come trembling,
crawling out of their fortresses
like insects or snakes,
lapping up the dust.
No One Is Like God
The people said:
18Our God, no one is like you.
We are all that is left
of your chosen people,
and you freely forgive
our sin and guilt.
You don't stay angry forever;
you're glad to have pity
19and pleased to be merciful.
You will trample on our sins
and throw them in the sea.
20You will keep your word
and be faithful to Jacob
and to Abraham,
as you promised our ancestors
many years ago.
Currently Selected:
Micah 7: CEV
Highlight
Copy
Compare
Share
Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in
Contemporary English Version, Second Edition (CEV®)
© 2006 American Bible Society. All rights reserved.
Mikas 7
7
Kabulukang Moral sa Israel
1Nakakalungkot ang nangyari. Ang katulad ko'y isang taong gutom. Naghahanap ng bungangkahoy ngunit walang makita ni isa man. Wala ni isang ubas o kaya'y isang igos na labis kong kinasasabikan. 2Wala nang natirang matapat sa Diyos sa lupain. Wala nang matuwid. Ang lahat ay nag-aabang ng mapapatay. Bawat isa'y naghahanda ng bitag laban sa kanyang kababayan. 3Bihasa sila sa paggawa ng kasamaan, ang pinuno at ang hukom ay humihingi ng suhol. Kasabwat nila sa paggawa ng masama ang mga kinikilalang tao ng bansa. 4Ang pinakamabuti sa kanila'y parang dawag, parang tinik. Dumating na ang araw ng pagpaparusa sa kanilang mga bantay. Nalalapit na ang araw ng pagkapahiya. 5Huwag kang magtiwala sa kapwa mo o sa iyong kaibigan. Huwag mong isisiwalat ang iyong lihim kahit sa iyong asawa. 6Lalapastanganin#Mt. 10:35-36; Lu. 12:53. ng anak na lalaki ang kanyang ama, at lalabanan ng anak na babae ang kanyang ina. Aawayin ng manugang na babae ang kanyang biyenang babae. Ang kaaway ng isang tao'y ang kanya mismong kasambahay.
7Ngunit para sa akin, kay Yahweh ako mananalig. Hihintayin kong may pagtitiwala ang Diyos na magliligtas sa akin at ako'y kanyang diringgin.
Ang Gagawing Pagliligtas ni Yahweh
8Mga kaaway ko, huwag kayong magalak dahil sa nangyari sa akin! Kung ako ma'y nadapa, muli akong babangon. Kung ako ma'y nasa kadiliman, tatanglawan ako ngayon ni Yahweh. 9Titiisin ko ang galit niya sapagkat nagkasala ako sa kanya. Magtitiis ako hanggang sa ipagtanggol niya ako at bigyan ng katarungan. Dadalhin niya ako sa kaliwanagan at makikita ko ang kanyang pagliligtas. 10Ito'y makikita ng aking kaaway, at mapapahiya siya na nagsabi sa akin, “Nasaan si Yahweh na iyong Diyos?” Makikita ko naman ang kanyang pagbagsak, at niyuyurakan siyang parang putik sa lansangan.
11Mga taga-Jerusalem, darating ang araw na itatayong muli ang inyong mga pader at lalong lalawak ang inyong nasasakupan. 12Sa araw na iyon ay babalik sa inyo ang mga tao buhat sa Asiria sa silangan hanggang sa Egipto, sa timog; buhat sa dakong ang hangganan ay ang Ilog Eufrates, mula sa malalayong dagat, at kabundukan. 13Ngunit magiging disyerto ang lupa dahil sa masasamang gawain ng mga naninirahan doon.
Ang Pag-ibig ni Yahweh para sa Israel
14Yahweh, patnubayan mong gaya ng isang pastol ang iyong bayan, ang bayan na iyong pinili. Bagama't sila'y nag-iisa sa ilang, napapalibutan naman sila ng masasaganang lupain. Hayaan mo silang manirahan at manginain sa sariwang pastulan ng Bashan at Gilead gaya noong unang panahon.
15Magpakita ka sa amin ng mga kamangha-manghang bagay tulad noong ilabas mo sa Egipto ang iyong bayan. 16Ito'y makikita ng mga bansa at sila'y mapapahiya sa kabila ng kanilang lakas. Mapapahiya sila at matitigilan. Tatakpan nila ang kanilang mga bibig at mga tainga. 17Gagapang silang parang mga ahas; nanginginig silang lalabas mula sa kanilang mga tanggulan. Takot na lalapit sila kay Yahweh na ating Diyos.
18Wala nang ibang diyos na tulad mo, O Yahweh. Pinapatawad mo ang mga kasalanan ng mga nakaligtas sa bayan mong pinili. Hindi nananatili ang iyong galit magpakailanman. Sa halip ay ipinadarama mo sa kanila ang tapat mong pag-ibig. 19Muli mo kaming kaaawaan. Tatapakan mo ang aming mga kasalanan at ihahagis sa kalaliman ng dagat. 20Patunayan mo ang iyong katapatan sa bayan ni Jacob at ang iyong pag-ibig sa angkan ni Abraham, gaya ng iyong ipinangako sa aming mga ninuno mula pa noong unang panahon.
Currently Selected:
:
Highlight
Copy
Compare
Share
Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in
New Testament © 2012 Philippine Bible Society
Old Testament © 2005 Philippine Bible Society