Micah 5
5
A Promised Ruler
1Jerusalem, enemy troops
have surrounded you;#5.1 Jerusalem … you: Or “Jerusalem, you are slashing yourself in sorrow, because of the enemy troops.”
they have struck Israel's ruler
in the face with a stick.
2 #
Mt 2.6; Jn 7.42. Bethlehem Ephrath,
you are one of the smallest towns
in the nation of Judah.
But the Lord will choose
one of your people
to rule the nation—
someone whose family
goes back to ancient times.#5.2 family … times: Or “kingdom is eternal.”
3The Lord will abandon Israel
only until this ruler is born,
and the rest of his family#5.3 family: Or “people.”
returns to Israel.
4Like a shepherd
taking care of his sheep,
this ruler will lead
and care for his people
by the power and glorious name
of the Lord his God.
His people will live securely,
and the whole earth will know
his true greatness,
5because he will bring peace.
Assyria Will Be Defeated
Let Assyria attack our country
and our palaces.
We will counterattack,
led by a number of rulers
6 #
Gn 10.6-20. whose strong army will defeat
the nation of Assyria.#5.6 the nation of Assyria: The Hebrew text uses both “land of Assyria” and “land of Nimrod,” which was a poetic name for Assyria.
Yes, our leaders will rescue us,
if those Assyrians
dare to invade our land.
The Survivors Will Be Safe
7A few of Jacob's descendants
survived and are scattered
among the nations.
But the Lord will let them
cover the earth like dew and rain
that refreshes the soil.
8At present they are scattered,
but later they will attack,
as though they were fierce lions
pouncing on sheep.
Their enemies will be torn
to shreds,
with no one to save them;
9they will be helpless,
completely destroyed.
Idols Will Be Destroyed in Israel
10The Lord said:
At that time I will wipe out
your cavalry and chariots,
11as well as your cities
and your fortresses.
12I will stop you
from telling fortunes
and practicing witchcraft.
13You will no longer worship
the idols or stone images
you have made—
I will destroy them,
14together with the sacred poles#5.14 sacred poles: Used in the worship of Asherah, the fertility goddess.
and even your towns.
15I will become furious
and take revenge on the nations
that refuse to obey me.
Currently Selected:
Micah 5: CEV
Highlight
Copy
Compare
Share
Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in
Contemporary English Version, Second Edition (CEV®)
© 2006 American Bible Society. All rights reserved.
Mikas 5
5
1Mga taga-Jerusalem, tipunin ninyo ang inyong mga hukbo sapagkat kinukubkob na tayo ng mga kaaway. Sinasalakay na nila ang pinuno ng Israel!
Ang Paghahari ng Tagapagpalaya
2Sinabi#Mt. 2:6; Jn. 7:42. ni Yahweh, “Ngunit ikaw, Bethlehem Efrata, bagama't pinakamaliit ka sa mga angkan ng Juda ay magmumula sa iyong angkan ang isang mamumuno sa Israel. Ang kanyang pinagmulan ay buhat pa noong una, noong unang panahon pa.” 3Kaya nga, ang bayan ni Yahweh ay ibibigay niya sa kamay ng mga kaaway hanggang sa isilang ng babae ang sanggol na mamumuno. Pagkatapos, ang mga Israelitang binihag ng ibang bansa ay kanyang ibabalik sa kanilang mga kababayan. 4Pagdating ng pinunong iyon, pamamahalaan niya ang kanyang bayan sa pamamagitan ng kapangyarihan ni Yahweh sapagkat taglay niya ang kadakilaan ng pangalan ni Yahweh na kanyang Diyos. At ang Israel ay mamumuhay na ligtas, sapagkat kikilalanin ng buong daigdig ang haring iyon. 5At sa kanya magmumula ang kapayapaan.
Ang Pagliligtas at ang Pagpaparusa
Kapag dumating ang mga taga-Asiria upang sakupin ang ating lupain, magsusugo tayo ng sapat na bilang ng pinakamalalakas na pinunong lalaban sa kanila. 6Sa#Gen. 10:8-11. pamamagitan ng mga sandata ay tatalunin nila ang Asiria na lupain ni Nimrod at ipagtatanggol nila tayo kapag sumalakay ang mga taga-Asiria.
7Ang mga nakaligtas na Israelita ay maninirahan sa maraming mga bansa. Matutulad sila sa hamog na mula kay Yahweh at para silang ulan na dumidilig sa damuhan. Sa Diyos sila aasa at hindi sa tao. 8At ang mga Israelitang naiwan sa mga bansa ay magiging parang leon na maghahanap ng pagkain sa kagubatan. Lulusubin nila ang mga kawan ng tupa, at lalapain sila; walang sinumang makakapagligtas sa mga tupa. 9Sasakupin at papatayin ng Israel ang kanyang mga kaaway.
10“At sa araw na iyon,” sabi ni Yahweh, “aalisan ko kayo ng mga kabayo at sisirain ko ang inyong mga karwahe. 11Gigibain ko ang inyong mga lunsod at ibabagsak ang matitibay ninyong tanggulan. 12Wawasakin ko ang inyong mga agimat at mawawala na rin ang mga manghuhula. 13Wawasakin ko ang inyong mga diyus-diyosan at mga haliging itinuturing ninyong sagrado, at hindi na kayo sasamba sa ginawa ng inyong mga kamay. 14Dudurugin ko rin ang inyong mga diyus-diyosang Ashera at iguguho ang inyong mga lunsod. 15Ibabagsak ko sa inyo ang aking poot, at isasagawa ang aking paghihiganti sa mga bansang hindi sumunod sa akin.”
Currently Selected:
:
Highlight
Copy
Compare
Share
Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in
New Testament © 2012 Philippine Bible Society
Old Testament © 2005 Philippine Bible Society