Micah 4
4
Peace and Prosperity
1In the future, the mountain
with the Lord's temple
will be the highest of all.
It will reach above the hills,
and every nation
will rush to it.
2People of many nations
will come and say,
“Let's go up to the mountain
of the Lord God of Jacob
and worship in his temple.”
The Lord will teach us his Law
from Jerusalem,
and we will obey him.
3 #
Is 2.4; Jl 3.10. He will settle arguments
between distant
and powerful nations.
They will pound their swords
and their spears
into rakes and shovels;
they will never again make war
or attack one another.
4 #
Zec 3.10. Everyone will find rest
beneath their own fig trees
or grape vines,
and they will live in peace.
This is a solemn promise
of the Lord All-Powerful.
5Others may follow their gods,
but we will always follow
the Lord our God.
The Lord Will Lead His People Home
6The Lord said:
At that time
I will gather my people—
the lame and the outcasts,
and all others into whose lives
I have brought sorrow.
7Then the lame and the outcasts
will belong to my people
and become a strong nation.
I, the Lord, will rule them
from Mount Zion forever.
8Mount Zion in Jerusalem,
guardian of my people,
you will rule again.
9Jerusalem, why are you crying?
Don't you have a king?
Have your advisors gone?
Are you suffering
like a woman in childbirth?
10Keep on groaning with pain,
you people of Jerusalem!
If you escape from your city
to the countryside,
you will still be taken
as prisoners to Babylonia.
But later I will rescue you
from your enemies.
11Zion, because of your sins
you are surrounded
by many nations who say,
“We can hardly wait
to see you disgraced.”#4.11 We … disgraced: Or “We'll pull up your skirt and expose your nakedness!”
12But they don't know
that I, the Lord,
have gathered them here
to grind them like grain.
13Smash them to pieces, Zion!
I'll let you be like a bull
with iron horns
and bronze hoofs.
Crush those nations
and bring their wealth to me,
the Lord of the earth.
Currently Selected:
Micah 4: CEV
Highlight
Copy
Compare
Share
Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in
Contemporary English Version, Second Edition (CEV®)
© 2006 American Bible Society. All rights reserved.
Mikas 4
4
Ang Pag-iral ng Kapayapaan sa Daigdig
1Darating ang panahon,
na ang bundok na kinatatayuan ng Templo ni Yahweh
ay mamumukod sa kataasan sa lahat ng bundok.
Higit itong dadakilain kaysa lahat ng burol, at dudulog dito ang maraming bansa.
2Daragsa ang maraming tao at sasabihin nila,
“Halikayo, tayo na sa bundok ni Yahweh,
sa templo ng Diyos ni Jacob,
upang malaman natin ang nais niyang gawin natin
at matuto tayong lumakad sa kanyang landas.
Sapagkat magmumula sa Zion ang katuruan,
at sa Jerusalem ang salita ni Yahweh.”
3Siya#Isa. 2:4; Joel 3:10. ang mamamagitan sa mga bansa,
at magpapairal ng katarungan sa lahat ng lahi.
Kaya't gagawin nilang talim ng araro ang kanilang mga tabak,
at karit naman ang kanilang mga sibat.
Mga bansa'y di na mag-aaway,
at sa pakikidigma'y di na magsasanay.
4Sa#Zac. 3:10. halip, bawat tao'y mamumuhay nang payapa
sa kanyang ubasan at mga puno ng igos.
Wala nang babagabag sa kanila,
sapagkat ito ang pangako ni Yahweh na Makapangyarihan sa lahat.
5Kahit na magpatuloy sa pagsamba sa kanilang mga diyus-diyosan ang lahat ng bansa, kami'y kay Yahweh na aming Diyos lamang sasamba magpakailanman.
Matutubos sa Pagkabihag ang Israel
6Sinabi pa ni Yahweh, “Darating ang panahong titipunin ko ang mga napilayan at ang mga binihag, gayundin ang aking mga pinarusahan. 7Ang mga pilay na nalabi ay bibigyan ko ng bagong buhay, at ang mga itinapon ay gagawin kong isang malakas na bansa. Akong si Yahweh, ang maghahari sa kanila buhat sa Bundok ng Zion sa araw na iyon at magpakailanman.”
8At tungkol naman sa iyo, burol ng Zion, kung saan binabantayan ng Diyos ang kanyang bayan gaya ng isang pastol, ikaw ay muling magiging sentro ng kaharian katulad noon. 9Bakit ka dumaraing nang malakas? Wala na bang haring mangunguna sa iyo? Namatay na ba ang tagapayo mo, kaya't namimilipit ka sa sakit tulad ng isang babaing malapit nang manganak? 10Mamilipit kayo't dumaing dahil sa matinding sakit, mga taga-Jerusalem, sapagkat aalis kayo sa lunsod at maninirahan sa kabukiran. Itatapon kayo sa Babilonia ngunit kukunin muli roon; ililigtas kayo ni Yahweh mula sa kamay ng inyong mga kaaway.
11Maraming bansa ang nag-aabang upang salakayin ka. Sinabi nila, “Wasakin natin ang Zion. Panoorin natin ang kanyang pagkawasak.” 12Ngunit hindi nila alam ang iniisip ni Yahweh, hindi nila nauunawaan ang kanyang layunin. Sila'y kanya lamang tinitipon upang parusahan, gaya ng ginapas na trigo, upang dalhin sa giikan. 13Mga taga-Jerusalem, humanda kayo at parusahan ninyo ang inyong mga kaaway. Gagawin ko kayong kasinlakas ng isang toro na ang sungay ay bakal, at tanso naman ang mga paa. Dudurugin ninyo ang maraming bansa, ang mga kayamanang nasamsam ninyo ay ihahandog ninyo sa akin na Panginoon ng buong mundo.
Currently Selected:
:
Highlight
Copy
Compare
Share
Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in
New Testament © 2012 Philippine Bible Society
Old Testament © 2005 Philippine Bible Society