Luke 14
14
Jesus Heals a Sick Man
1One Sabbath, Jesus was having dinner in the home of an important Pharisee, and everyone was carefully watching Jesus. 2All of a sudden a man with swollen legs stood up in front of him. 3Jesus turned and asked the Pharisees and the teachers of the Law of Moses, “Is it right to heal on the Sabbath?” 4But they did not say a word.
Jesus took hold of the man. Then he healed him and sent him away. 5#Mt 12.11. Afterwards, Jesus asked the people, “If your son or ox falls into a well, wouldn't you pull him out at once, even on the Sabbath?” 6There was nothing they could say.
How To Be a Guest
7Jesus saw how the guests had tried to take the best seats. So he told them:
8 #
Pr 25.6,7. When you are invited to a wedding feast, don't sit in the best place. Someone more important may have been invited. 9Then the one who invited you will come and say, “Give your place to this other guest!” You will be embarrassed and will have to sit in the worst place.
10When you are invited to be a guest, go and sit in the worst place. Then the one who invited you may come and say, “My friend, take a better seat!” You will then be honored in front of all the other guests. 11#Mt 23.12; Lk 18.14. If you put yourself above others, you will be put down. But if you humble yourself, you will be honored.
12Then Jesus said to the man who had invited him:
When you give a dinner or a banquet, don't invite your friends and family and relatives and rich neighbors. If you do, they will invite you in return, and you will be paid back. 13When you give a feast, invite the poor, the paralyzed, the lame, and the blind. 14They cannot pay you back. But God will bless you and reward you when his people rise from death.
The Great Banquet
(Matthew 22.1-10)
15After Jesus had finished speaking, one of the guests said, “The greatest blessing of all is to be at the banquet in God's kingdom!”
16Jesus told him:
A man once gave a great banquet and invited a lot of guests. 17When the banquet was ready, he sent a servant to tell the guests, “Everything is ready! Please come.”
18One guest after another started making excuses. The first one said, “I bought some land, and I've got to look it over. Please excuse me.”
19Another guest said, “I bought five teams of oxen, and I need to try them out. Please excuse me.”
20Still another guest said, “I've just now married, and I can't be there.”
21The servant told his master what happened, and the master became so angry he said, “Go as fast as you can to every street and alley in town! Bring in everyone who is poor or paralyzed or blind or lame.”
22When the servant returned, he said, “Master, I've done what you told me, and there is still plenty of room for more people.”
23His master then told him, “Go out along the back roads and make people come in, so my house will be full. 24Not one of the guests I first invited will get even a bite of my food!”
Being a Disciple
(Matthew 10.37,38)
25Large crowds were walking along with Jesus, when he turned and said:
26 #
4 Macc 2.11-13; Mt 10.37. You cannot be my disciple, unless you love me more than you love your father and mother, your wife and children, and your brothers and sisters. You cannot follow me unless you love me more than you love your own life.
27 #
Mt 10.38; 16.24; Mk 8.34; Lk 9.23. You cannot be my disciple unless you carry your own cross and follow me.
28Suppose one of you wants to build a tower. What is the first thing you will do? Won't you sit down and figure out how much it will cost and if you have enough money to pay for it? 29Otherwise, you will start building the tower, but not be able to finish. Then everyone who sees what is happening will laugh at you. 30They will say, “You started building, but could not finish the job.”
31What will a king do if he has only 10,000 soldiers to defend himself against a king who is about to attack him with 20,000 soldiers? Before he goes out to battle, won't he first sit down and decide if he can win? 32If he thinks he won't be able to defend himself, he will send messengers and ask for peace while the other king is still a long way off. 33So then, you cannot be my disciple unless you give away everything you own.
Salt and Light
(Matthew 5.13; Mark 9.50)
34Salt is good, but if it no longer tastes like salt, how can it be made to taste salty again? 35It is no longer good for the soil or even for the manure pile. People simply throw it out. If you have ears, pay attention!
Currently Selected:
Luke 14: CEV
Highlight
Copy
Compare
Share
Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in
Contemporary English Version, Second Edition (CEV®)
© 2006 American Bible Society. All rights reserved.
Lucas 14
14
Pinagaling ni Jesus ang Lalaking may Manas
1Isang Araw ng Pamamahinga, si Jesus ay inanyayahang kumain sa bahay ng isang pinuno ng mga Pariseo, at binabantayan nilang mabuti ang kanyang mga kilos. 2Lumapit kay Jesus ang isang lalaking may manas. 3Kaya't tinanong niya ang mga Pariseo at ang mga dalubhasa sa Kautusan, “Naaayon ba sa Kautusan ang magpagaling sa Araw ng Pamamahinga o hindi?”
4Ngunit hindi sila umimik, kaya't hinawakan ni Jesus ang maysakit, pinagaling ito at saka pinauwi. 5Pagkatapos#Mt. 12:11. ay sinabi niya sa kanila, “Kung ang inyong anak o ang inyong baka ang mahulog sa balon, hindi ba't iaahon ninyo ito kaagad kahit Araw ng Pamamahinga?”
6Hindi sila nakasagot sa tanong na ito.
Pagmamataas at Pagpapakumbaba
7Napansin ni Jesus na pinipili ng ilang mga panauhin ang mga upuang pandangal. Kaya't sinabi niya ang talinghagang ito sa kanila. 8“Kapag#Kaw. 25:6-7. inanyayahan ka sa isang kasalan, huwag kang uupo agad sa upuang pandangal. Baka may inanyayahang mas kilala kaysa sa iyo. 9Baka lapitan ka ng nag-anyaya sa inyong dalawa at sabihin sa iyo, ‘Maaari bang ibigay mo ang upuang iyan sa taong ito?’ Sa gayon, mapapahiya ka at doon ka uupo sa pinakaabang upuan. 10Mabuti pa, kapag naanyayahan ka, doon ka muna maupo sa pinakaabang upuan. Kapag lumapit sa iyo ang nag-anyaya at kanyang sinabi, ‘Kaibigan, dito ka sa kabisera,’ mapaparangalan ka sa harap ng lahat ng mga panauhin. 11Sapagkat#Mt. 23:12; Lu. 18:14. ang nagmamataas ay ibababa, at ang nagpapakumbaba ay itataas.”
12Sinabi naman ni Jesus sa nag-anyaya sa kanya, “Kapag naghahanda ka ng isang salu-salo, huwag ang iyong mga kaibigan, mga kapatid, mga kamag-anak o mayayamang kapitbahay ang aanyayahan mo, dahil aanyayahan ka rin nila at sa gayon ay susuklian ang iyong ginawa. 13Subalit kapag ikaw ay maghahanda, anyayahan mo ang mga mahihirap, mga lumpo, mga pilay, at mga bulag. 14Kapag ganito ang ginawa mo, pagpapalain ka, dahil hindi man nila masuklian ang ginawa mo, ang Diyos ang magbibigay sa iyo ng gantimpala sa muling pagkabuhay ng mga matuwid.”
Ang Talinghaga ng Malaking Handaan
(Mt. 22:1-10)
15Narinig ito ng isa sa mga kasalo niya roon, at sinabi sa kanya, “Pinagpala ang makakasalo sa hapag sa kaharian ng Diyos!”
16Sumagot si Jesus, “Isang lalaki ang naghanda ng isang malaking salu-salo, at marami siyang inanyayahan. 17Nang dumating ang oras ng handaan, inutusan niya ang kanyang alipin at ipinasabi sa mga inanyayahan, ‘Halina kayo, handa na ang lahat!’ 18Ngunit nagdahilan silang lahat. Ang sabi ng una, ‘Nakabili ako ng bukid at kailangan ko itong puntahan. Kayo na sana ang bahalang magpaumanhin sa akin.’ 19Sinabi naman ng isa, ‘Nakabili ako ng limang magkapares na baka at kailangang masubukan ko sa bukid ang mga iyon. Kayo na sana ang bahalang magpaumanhin sa akin.’ 20Sinabi naman ng isa, ‘Ako'y bagong kasal, kaya't hindi ako makakadalo.’
21“Bumalik ang alipin at ibinalita ito sa kanyang panginoon. Nagalit ang panginoon at sinabi sa alipin, ‘Pumunta ka kaagad sa mga lansangan at sa makikipot na daan ng lungsod at isama mo rito ang mga mahihirap, mga lumpo, mga bulag, at mga pilay.’ 22Pagkatapos sinabi ng alipin, ‘Panginoon, nagawa ko na po ang iniutos ninyo, ngunit marami pang bakanteng upuan.’ 23Kaya't sinabi ng panginoon sa alipin, ‘Pumunta ka sa mga lansangan at sa mga daan, at pilitin mong pumarito ang sinumang makita mo upang mapuno ang aking bahay. 24Sinasabi ko sa inyo, isa man sa mga unang inanyayahan ay hindi makakatikim ng aking handa!’”
Ang Pagiging Alagad
(Mt. 10:37-38)
25Sumama kay Jesus ang napakaraming tao; humarap siya sa kanila at kanyang sinabi, 26“Hindi#Mt. 10:37. maaaring maging alagad ko ang sinumang umiibig sa kanyang ama at ina, asawa at mga anak, mga kapatid, at maging sa sarili niyang buhay nang higit sa akin. 27Ang#Mt. 10:38; 16:24; Mc. 8:34; Lu. 9:23. hindi magpasan ng sarili niyang krus at sumunod sa akin ay hindi maaaring maging alagad ko.
28“Kung ang isa sa inyo'y nagbabalak na magtayo ng tore, hindi ba siya uupo muna upang magplano at kuwentahin kung magkano ang magagastos niya upang matiyak kung may sapat siyang pera para maipatapos ang kanyang ipapatayo? 29Baka matapos mailagay ang mga pundasyon ay hindi naman mayari ang tore. Siya'y kukutyain lamang ng lahat ng makakakita niyon. 30Sasabihin nila, ‘Ang taong ito'y nagsimulang magtayo ngunit hindi naman naipatapos.’
31“O sinong hari na makikipagdigma sa kapwa hari ang hindi muna mauupo upang pag-aralang mabuti kung kaya niya, gamit ang sampung libo niyang kawal, na sumagupa sa kalaban na may dalawampung libong kawal? 32At kung hindi niya kaya, malayo pa ang kalaban ay magsusugo na siya ng mga kinatawan upang makipagkasundo. 33Gayundin naman, hindi maaaring maging alagad ko ang sinuman kung hindi niya tatalikuran ang lahat sa kanyang buhay.
Asin na Walang Alat
(Mt. 5:13; Mc. 9:50)
34“Mabuti ang asin, ngunit kung ang asin ay mawalan na ng alat, paano pa ito mapapaalat muli? 35Wala itong kabutihang maibibigay sa lupa, o kahit sa tambakan man ng dumi, kaya't ito'y itinatapon na lamang. Makinig ang may pandinig!”
Currently Selected:
:
Highlight
Copy
Compare
Share
Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in
New Testament © 2012 Philippine Bible Society
Old Testament © 2005 Philippine Bible Society