YouVersion Logo
Search Icon

Mga Kawikaan 12

12
1Sinomang umiibig ng kasawayan ay umiibig ng kaalaman: nguni't siyang nagtatanim sa kasawayan ay hangal. 2Ang mabuting tao ay magtatamo ng lingap ng Panginoon: nguni't kaniyang parurusahan ang taong may masasamang katha. 3Ang tao ay hindi matatag sa pamamagitan ng kasamaan: nguni't ang ugat ng matuwid ay hindi makikilos. 4Ang mabait na babae ay putong sa kaniyang asawa: nguni't siyang nakahihiya ay parang kabulukan sa kaniyang mga buto. 5Ang mga pagiisip ng matuwid ay ganap: nguni't ang mga payo ng masama ay magdaraya. 6Ang mga salita ng masama ay mga bakay sa dugo: nguni't ililigtas sila ng bibig ng matuwid. 7Ang masama ay inilulugmok at nawawala: nguni't ang sangbahayan ng matuwid ay tatayo. 8Pupurihin ang tao ayon sa kaniyang karunungan: nguni't ang masama sa puso ay hahamakin. 9Maigi siyang pinahahalagahan ng kaunti, at may alipin, kay sa nagmamapuri, at kinukulang ng tinapay. 10Ang matuwid ay nagpapakundangan sa buhay ng kaniyang hayop: nguni't ang mga kaawaan ng masama ay mabagsik. 11Siyang bumubukid ng kaniyang lupain ay magkakaroon ng saganang tinapay: nguni't siyang sumusunod sa taong walang kabuluhan ay walang unawa. 12Ninanasa ng masama ang lambat ng mga masamang tao: nguni't ang ugat ng matuwid ay nagbubunga. 13Nasa pagsalangsang ng mga labi ang silo sa mga masamang tao: nguni't ang matuwid ay lalabas sa kabagabagan. 14Ang tao ay masisiyahan ng buti sa pamamagitan ng bunga ng kaniyang bibig; at ang mga gawain ng mga kamay ng tao ay babayaran sa kaniya. 15Ang lakad ng mangmang ay matuwid sa kaniyang sariling mga mata: nguni't siyang pantas ay nakikinig sa payo. 16Ang yamot ng mangmang ay agad nakikilala: nguni't ang mabait na tao ay nagtatakip ng kahihiyan. 17Ang nagbabadya ng katotohanan ay nagpapakilala ng katuwiran, nguni't ang sinungaling sa saksi ay nagdadaya. 18May nagsasalitang madalas na parang saliwan ng tabak: nguni't ang dila ng pantas ay kagalingan. 19Ang labi ng katotohanan ay matatatag kailan man. Nguni't ang sinungaling na dila ay sa sangdali lamang. 20Pagdaraya ay nasa puso ng mga kumakatha ng kasamaan: nguni't sa mga tagapayo ng kapayapaan ay kagalakan. 21Walang mangyayaring kapahamakan sa matuwid: nguni't ang masama ay mapupuno ng kasamaan. 22Mga sinungaling na labi ay kasuklamsuklam sa Panginoon: nguni't ang nagsisigawang may katotohanan ay kaniyang kaluguran. 23Ang taong mabait ay nagkukubli ng kaalaman: nguni't ang puso ng mga mangmang ay nagtatanyag ng kamangmangan. 24Ang kamay ng masipag ay magpupuno: nguni't ang tamad ay malalagay sa pagatag. 25Ang kabigatan sa puso ng tao ay nagpapahukot; nguni't ang mabuting salita ay nagpapasaya. 26Ang matuwid ay patnubay sa kaniyang kapuwa: nguni't ang lakad ng masama ay nakapagpapaligaw. 27Ang tamad ay hindi nagiihaw ng kahit kaniyang napapangasuhan; nguni't ang mahalagang pag-aari ng tao ay sa mga masisipag. 28Nasa daan ng katuwiran ang buhay; at sa kaniyang landas ay walang kamatayan.

Currently Selected:

Mga Kawikaan 12: TLAB

Highlight

Share

Copy

None

Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in

YouVersion uses cookies to personalize your experience. By using our website, you accept our use of cookies as described in our Privacy Policy