YouVersion Logo
Search Icon

Salmo 85

85
Salmo 85#85 Salmo 85 Ang unang mga salita sa Hebreo: Ang awit na isinulat ng mga anak ni Kora para sa direktor ng mga mang-aawit.
Panalangin para sa Kabutihan ng Bansa
1 Panginoon, naging mabuti kayo sa inyong lupain.
Ibinalik nʼyo sa magandang kalagayan ang Israel.#85:1 Ibinalik … Israel: o, Pinabalik ninyo sa kanilang lupain mula sa pagkabihag ang lahi ni Jacob.
2Pinatawad nʼyo ang kasamaan ng inyong mga mamamayan;
inalis nʼyo ang lahat ng aming kasalanan.
3Inalis nʼyo na rin ang inyong matinding galit sa amin.
4 Minsan pa, O Dios, na aming Tagapagligtas, ibalik nʼyo kami sa magandang kalagayan.
Kalimutan nʼyo na ang inyong galit sa amin.
5Habang buhay na ba kayong magagalit sa amin,
hanggang sa aming mga salinlahi?
6Hindi nʼyo na ba kami ibabalik sa magandang kalagayan upang kami ay magalak sa inyo?
7 Panginoon, ipakita nʼyo sa amin ang inyong pag-ibig at kami ay iligtas.
8Pakikinggan ko ang sasabihin ng Panginoong Dios,
dahil mangangako siya ng kapayapaan sa atin na kanyang mga tapat na mamamayan;
iyan ay kung hindi na tayo babalik sa ating mga kamangmangan.
9Tunay na ililigtas niya ang may takot sa kanya,
upang ipakita na ang kapangyarihan niya ay mananatili sa ating lupain.
10Ang pag-ibig at katapatan ay magkasama at ganoon din ang katarungan at kapayapaan.
11Ang katapatan ng tao sa mundo ay alam ng Dios sa langit,
at ang katarungan ng Dios sa langit ay matatanggap ng tao sa mundo.
12Tiyak na ibibigay sa atin ng Panginoon ang mabuti
at magkakaroon ng ani ang ating lupain.
13Ang katarungan ay parang tagapagbalita na mauunang dumating para ihanda ang daan ng Panginoon.

Currently Selected:

Salmo 85: ASND

Highlight

Share

Copy

None

Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in

YouVersion uses cookies to personalize your experience. By using our website, you accept our use of cookies as described in our Privacy Policy