YouVersion Logo
Search Icon

Salmo 81

81
Salmo 81#81 Salmo 81 Ang unang mga salita sa Hebreo: Ang awit na isinulat ni Asaf para sa direktor ng mga mang-aawit. Tinugtog sa pamamagitan ng instrumentong “gittith.”
Papuri sa Kabutihan ng Dios
1Umawit kayo nang may galak sa Dios na nagbibigay sa atin ng kalakasan.
Sumigaw kayo nang may tuwa sa Dios ni Jacob!
2Umawit kayo at tugtugin ang tamburin kasabay ng magandang tunog ng alpa at lira.#81:2 lira: sinaunang instrumentong may kwerdas.
3Patunugin ninyo ang tambuli tuwing Pista ng Pagsisimula ng Buwan na ating ipinagdiriwang tuwing kabilugan ng buwan.
4Dahil isa itong kautusan para sa mga taga-Israel.
Itoʼy utos ng Dios ni Jacob.
5Ibinigay niya ang kautusang ito sa lahi ni Jose nang siyaʼy sumalakay sa lupain ng Egipto.
May narinig akong tinig ngunit hindi ko kilala, na nagsasabing,
6Pinalaya ko kayo sa pagkaalipin;
kinuha ko ang mabibigat ninyong mga bitbit at pasanin.
7Nang kayoʼy nahirapan, tumawag kayo sa akin at kayoʼy iniligtas ko.
Mula sa mga alapaap,
sinagot ko kayo at sinubok doon sa bukal ng Meriba.
8Mga Israelita na aking mga mamamayan, pakinggan ninyo itong babala ko sa inyo.
Makinig sana kayo sa akin!
9Hindi kayo dapat magkaroon ng ibang dios.
Huwag kayong sasamba sa kanila.
10Ako ang Panginoon na inyong Dios. Ako ang naglabas sa inyo sa lupain ng Egipto.
Humingi kayo sa akin at ibibigay ko sa inyo ang mga pangangailangan ninyo.
11Ngunit kayong mga Israelita na aking mga mamamayan, hindi kayo nakinig at sumunod sa akin.
12Kaya hinayaan ko kayo sa katigasan ng inyong ulo#81:12 ulo: o, puso. at ginawa ninyo ang inyong gusto.
13Kung nakinig lang sana kayo sa akin at sumunod sa aking mga pamamaraan,
14kaagad ko sanang nilupig at pinarusahan ang inyong mga kaaway.
15Ang mga napopoot sa akin ay yuyukod sa takot.
Ang kaparusahan nila ay walang katapusan.
16Ngunit kayo na aking mga mamamayan,
pakakainin ko kayo ng pinakamainam na bunga ng trigo at pulot hanggang sa mabusog kayo.”

Currently Selected:

Salmo 81: ASND

Highlight

Share

Copy

None

Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in

YouVersion uses cookies to personalize your experience. By using our website, you accept our use of cookies as described in our Privacy Policy