Kawikaan 2
2
Ang Kahalagahan ng Karunungan
1Anak, tanggapin at ingatan mo sa iyong puso
ang mga itinuturo at iniuutos ko sa iyo.
2Pakinggan mo kung ano
ang makapagbibigay sa iyo
ng karunungan at kaalaman.
3Manawagan ka
upang ikaʼy maging marunong,
at magsumamo ka
upang ikaʼy makaunawa
4na parang naghahanap ka ng pilak
o anumang nakatagong kayamanan.
5Kung gagawin mo ito, malalaman mo
kung ano ang pagkatakot sa Panginoon
at mauunawaan mo ang tungkol sa kanya.
6Sapagkat ang Panginoon
ang nagbibigay ng karunungan,
kaalaman, at ng pang-unawa.
7Pinagtatagumpay niya
ang taong matuwid,
siyaʼy kalasag
ng mga walang kapintasan.
8Sapagkat siya ang nagbabantay
sa kanilang daraanan,
at ang kanilang landas
ay kanyang iingatan.
9Sa gayoʼy mauunawaan mo
kung ano ang tama at mali,
kung alin ang makatarungan,
at masusunod mo ang daang mabuti
para sa iyo.
10Sapagkat lalong lalawak
ang iyong karunungan
at magbibigay ito sa iyo
ng kaligayahan.
11Kapag nakakaunawa ka
at marunong magpasya nang tama,
iingatan ka nito.
12Ilalayo ka ng karunungan
sa masamang pag-uugali
at sa mga taong nagsasalita
ng masama.
13Pinili ng mga taong ito na iwanan
ang magandang pag-uugali
at sumunod sa pamamaraan
ng mga nasa kadiliman.
14Natutuwa sila sa paggawa ng masama
at nasisiyahan sa mga kalikuan nito.
15Masama ang pag-uugali nila
at hindi matuwid ang kanilang pamumuhay.
16Ilalayo ka ng karunungan
sa masamang babae
na gustong umakit sa iyo
sa pamamagitan ng kanyang
matatamis na salita.
17Iniwan ng ganyang babae
ang napangasawa niya
noong kanyang kabataan.
Kinalimutan niya
ang pangako niya sa Diyos
nang silaʼy ikasal.
18Kapag pumunta ka sa kanyang tahanan,
didiretso ka sa iyong kamatayan,
dahil ito ang daan patungo sa libingan.
Sapagkat ito ang daan
tungo sa daigdig ng mga patay.
19Kung sino man ang pupunta sa kanya
ay hindi na makakauwi;
makakalimutan na niya ang daan
patungo sa lugar ng mga buháy.
20Kaya tularan mo
ang pamumuhay ng mabubuting tao
at mamuhay ka nang matuwid.
21Sapagkat ang taong namumuhay
nang matuwid at walang kapintasan
ay mabubuhay nang matagal
dito sa daigdig.
22Ngunit ang masasamâ
ay palalayasin.
Bubunuting parang
ugat ang mga taksil.
Currently Selected:
Kawikaan 2: ASD
Highlight
Copy
Compare
Share
Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in
Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™
Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™
Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc.
Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office.
Ginamit nang may pahintulot.
“Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.
Used with permission.
Mga Kawikaan 2
2
Ang Kahalagahan ng Karunungan
1Aking anak, ang mga pangaral ko ay dinggin mo,
at ang aking mga utos, ingatan nga at sundin mo.
2Ang pakinig mo'y ibaling sa wastong karunungan,
at ito ay isipin nang iyong maunawaan.
3Pagsikapan mong hanapin ang tunay na kaalaman,
pang-unawa'y pilitin mong makita at masumpungan.
4Kung ito ay parang pilak na iyong hahanapin,
at tulad ng ginto, na iyong miminahin,
5malalaman mo kung ano ang kahulugan ng paggalang at pagsunod kay Yahweh,
at matatamo ang kaalaman tungkol sa Diyos.
6Sapagkat#Kar. 9:10; Ecc. 1:1. si Yahweh ang nagkakaloob ng karunungan,
sa bibig niya ang kaalaman at unawa'y bumubukal.
7Bibigyan niya ng unawa ang matuwid ang pamumuhay,
at ang taong matapat ay kanyang iingatan.
8Binabantayan niya ang daan ng katarungan,
at ang lakad ng lingkod niya'y kanyang sinusubaybayan.
9Kaya nga, iyong mauunawaan ang katuwiran at katarungan,
at iyong susundan ang landas ng kabutihan.
10Lalawak ang karunungang matatanim sa isipan,
madadama ang kasiyahang dulot nitong kaalaman.
11Ang natamong kaalaman sa iyo ay mag-iingat,
ang unawa'y maglilihis sa liku-likong landas.
12Ilalayo ka nito sa masamang pamumuhay,
at doon sa mga taong ang nais ay kaguluhan;
13ilalayo ka rin nito sa mga tampalasan,
na ang landas na pinili ay landas ng kadiliman,
14mga taong ang hilig ay paggawa ng kasamaan,
ang kanilang kasiyaha'y pawang walang kabuluhan.
15Sa ugaling taglay nila'y di sila maaasahan,
sila ay hindi tapat, hindi mapagkakatiwalaan.
16Malalayo ka sa babaing mahalay,
at sa kanyang pang-aakit ay hindi ka maaakay.
17Siya ay babaing hindi tapat sa asawa;
ang sumpaan sa altar ay binale-wala niya.
18Kaya naman ang landas niya'y patungo sa kamatayan,
at ang kanyang buhay ay tungo sa kawakasan.
19Sinumang maakit niya ay tuluyang natatangay,
at hindi na makakabalik sa maayos na pamumuhay.
20Kaya nga, tahakin mo ang landas ng kabutihan,
huwag itong hiwalayan hanggang hininga ay mapatid.
21Pagkat ang mabuting tao'y magtatagal sa daigdig,
ang may buhay na matapat ay hindi matitinag.
22Ngunit ang masama sa lupai'y mawawala,
bubunutin pati ugat ng lahat ng mandaraya.
Currently Selected:
:
Highlight
Copy
Compare
Share
Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in
© 2005 Philippine Bible Society