Mga Bilang 30
30
Ang Kautusan tungkol sa Panata
1Sinabi ni Moises sa mga pinuno ng lahi ng Israel, “Ito ang mga utos ng Panginoon: 2Kung ang isang lalaki ay gagawa ng panata o susumpa sa Panginoon na gagawin niya o hindi ang isang bagay, kailangang tuparin niya ang lahat ng kanyang sinabi.
3“Kung ang isang dalaga na naninirahan pa sa bahay ng kanyang ama ay gumawa ng panata o nanumpa sa Panginoon na gagawin niya o hindi ang isang bagay, 4at nalaman ito ng kanyang ama ngunit hindi naman ito tumutol, kailangang tuparin niya ito. 5Ngunit kung tumutol ang kanyang ama kapag nalaman ito, hindi na niya ito kailangang tuparin. Patatawarin siya ng Panginoon dahil tumutol ang kanyang ama.
6“Kung ang isang dalaga ay manumpa o gumawa ng panata na gagawin niya o hindi ang isang bagay, pagkatapos nag-asawa siya, kahit na pabigla-bigla man o hindi ang kanyang pangako, 7at nalaman ito ng kanyang asawa ngunit hindi naman ito tumutol, kailangang gawin niya ang kanyang ipinangako. 8Ngunit kung tumutol ang kanyang asawa kapag nalaman ito, hindi na niya ito kailangang tuparin, at wala na siyang pananagutan sa Panginoon.
9“Kung ang isang biyuda o babaeng hiniwalayan ng asawa ay gumawa ng panata o nanumpa na gagawin niya o hindi ang isang bagay, kailangang tuparin niya ito.
10“At kung ang isang babaeng may asawa ay gumawa ng panata o nanumpa na gagawin niya o hindi ang isang bagay, 11at nalaman ito ng kanyang asawa ngunit tumahimik lang ito at hindi tumutol, kailangang tuparin niya ito. 12Ngunit kung tumutol ang kanyang asawa kapag nalaman ito, hindi na niya ito kailangang tuparin. Patatawarin siya ng Panginoon dahil tumutol ang kanyang asawa. 13May karapatang pumayag o tumutol ang kanyang asawa sa kahit anong ginawa niyang sumpa o panata. 14Ngunit kung hindi tumutol ang kanyang asawa sa mismong araw na nalaman niya ito, pumapayag ang kanyang asawa na tuparin niya ito. 15Subalit kung pinalipas pa ng kanyang asawa ang ilang araw bago tumutol, ang kanyang asawa ang parurusahan sa kanyang kasalanan.”
16Iyon ang mga kautusan na ibinigay ng Panginoon kay Moises tungkol sa lalaki at sa kanyang asawa, at tungkol sa ama at sa kanyang anak na dalagitang nakatira sa kanyang bahay.
Currently Selected:
Mga Bilang 30: ASD
Highlight
Share
Copy
Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in
Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™
Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™
Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc.
Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office.
Ginamit nang may pahintulot.
“Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.
Used with permission.