YouVersion Logo
Search Icon

Isaias 26

26
Awit ng Papuri sa Dios
1Sa mga araw na iyon ang awit na itoʼy aawitin sa Juda:
Matatag na ang ating lungsod!
Ang Pagliligtas ng Dios ay parang pader na nakapalibot sa atin.
2Buksan ang mga pintuan ng lungsod para makapasok ang bansang matuwid at tapat sa Panginoon.
3 Panginoon, bigyan nʼyo nang lubos na kapayapaan ang taong kayo lagi ang iniisip dahil nagtitiwala siya sa inyo.
4Magtiwala kayong lagi sa Panginoon,
dahil siya ang ating Bato na kanlungan magpakailanman.
5Ang totoo, ibinabagsak niya ang mga mapagmataas.
Winawasak niya ang kanilang lungsod hanggang sa madurog sa lupa.
6At itoʼy tinatapak-tapakan ng mga dukha na kanilang inapi.
7Patag ang daan ng taong matuwid, at kayo, Panginoong matuwid, ang nagpatag nito.
8 Panginoon, sinunod namin ang inyong mga utos,
at nagtiwala kami sa inyo.
Hangad namin na kayo ay aming maparangalan.
9Buong puso kitang hinahanap-hanap kapag gabi.
Kung hahatulan nʼyo ang mga tao sa mundo,
matututo silang mamuhay nang matuwid.
10Kahit kinaaawaan nʼyo ang masasama,
hindi pa rin sila natututong mamuhay nang matuwid.
Kahit na naninirahan silang kasama ng mga matuwid,
patuloy pa rin sila sa kanilang gawaing masama,
at hindi nila kinikilala ang inyong kapangyarihan.
11 Panginoon, nakahanda na po kayong magparusa sa kanila,
pero hindi nila alam.
Ipaalam nʼyo sa kanila, Panginoon.
Ilagay nʼyo po sila sa kahihiyan. Ipakita nʼyo sa kanila kung gaano nʼyo kamahal ang iyong mga mamamayan.
Lipulin nʼyo po sa pamamagitan ng inyong apoy ang inyong mga kaaway.
12 Panginoon, ilagay nʼyo po kami sa mabuting kalagayan,
sapagkat ang lahat ng aming nagagawa ay nagagawa namin sa tulong ninyo.
13 Panginoon na aming Dios,
pinamahalaan kami ng ibang panginoon,
pero kayo lang ang aming sinasamba.
14Patay na sila ngayon at hindi na mabubuhay pa.
Pinarusahan nʼyo sila at pinatay para malimutan at hindi na maaalala pa.
15 Panginoon, pinalawak nʼyo ang aming bansa.
Pinalapad nʼyo ang aming mga hangganan,
at itoʼy nagbigay ng karangalan sa inyo.
16 Panginoon, pinarusahan nʼyo ang iyong mga mamamayan,
at sa kanilang mga paghihirap ay dumulog at tumawag sila sa inyo.
17 Panginoon, kitang-kita nʼyo ang aming paghihirap.
Tulad kami ng isang babaeng nanganganak, na napapasigaw dahil sa tindi ng sakit.
18Dumaing kami dahil sa hirap, pero wala rin kaming iniluwal.
Wala kaming nagawa para iligtas ang lupain namin,
at hindi rin namin nalipol ang mga taong kaaway namin dito sa mundo.
19Pero muling mabubuhay ang inyong mga mamamayang namatay.
Babangon ang kanilang mga bangkay at aawit sa galak.
Kung papaanong ang hamog ay nagpapalamig ng lupa,
kayo rin Panginoon ang muling bubuhay sa mga patay.
20Mga kababayan, pumasok kayo sa inyong mga bahay at isara ninyo ang inyong mga pintuan.
Magtago muna kayo hanggang sa mawala ang galit ng Panginoon.
21Sapagkat darating na siya mula sa kanyang tirahan para parusahan ang mga tao sa mundo dahil sa kanilang mga kasalanan.
Ilalabas ng lupa ang mga taong pinatay, at hindi na niya itatago pa.

Currently Selected:

Isaias 26: ASND

Highlight

Share

Copy

None

Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in

YouVersion uses cookies to personalize your experience. By using our website, you accept our use of cookies as described in our Privacy Policy