Habang nakatingin ako, may nakita akong bagyong paparating mula sa hilaga. Dala nito ang isang makapal na ulap na may apoy na kumikidlat kaya nagliliwanag ang paligid. Parang nagbabagang metal ang gitna ng apoy. Sa gitna ng apoy, may apat na buháy na nilalang at anyong tao sila, pero bawat isa sa kanila ay may apat na mukha at apat na pakpak. Tuwid ang kanilang mga binti at ang kanilang mga paaʼy parang paa ng baka, at kumikinang na parang tansong pinakintab. May mga kamay silang katulad ng kamay ng tao na nasa ilalim ng kanilang mga pakpak. At silang apat ay may mga mukha at pakpak. Magkakadikit ang kanilang mga pakpak. Kapag gumagalaw sila, hindi sila lumilingon ngunit dumidiretso sila nang sabay-sabay saanman.